FAQs

Frequently Asked Questions

Paano mag-download ng DIGIPAY application?

Pumunta po sa Google Playstore gamit ang inyong Android Smartphone at i-type ang Digipay Agent

Saan makukuha ang PIN na hinihingi sa pag-lologin sa DIGIPAY account?

Ang PIN ay parang password na sariling gawa at isineset ng may-ari ng account.

Sa unang beses na pag-login sa iyong DIGIPAY account ay kinakailangan magbigay ng  sariling PIN na dagdag sa seguridad ng iyong account.

Tandaang maigi ang iyong PIN dahil kinakailangang itype ito sa tuwing bubuksan ang  DIGIPAY app.

Sa loob ng ilang segundong hindi paggamit ng app ay automatic itong nagsasara at  kinakailangang itype muli ang PIN bago ito mabuksan.

Paano magre-send ng resibo o Transaction Confirmation Receipt gamit ang Digipay App?

Magpunta lamang sa SALES DATA at i-filter sa HISTORY kung aling transaksyon ang nais  muling makuha ang confirmation receipt. Kung napili na ang transaksyon, pindutin lamang  ang cellphone icon kung nais matanggap ang resibo sa pamamagitan ng SMS at i-type ang  cellphone number na padadalhan nito. Piliin naman ang envelope icon kung nais itong  matanggap sa pamamagitan ng e-mail at saka i-type ang e-mail address na padadalhan nito.

Ano ang pwede naming gawin sa tuwing mayroon kaming katanungan tungkol sa DIGIPAY?

Maaari ninyong makausap ang aming Support Team sa Chat Support  feature na matatagpuan sa app. Maari ninyo silang i-chat sa lahat ng mga katanungan  kaugnay sa DIGIPAY app.

Paano namin mamo-monitor ang mga transaksyon at ang galaw ng pera sa aming wallet?

Ang mga transaksyon at galaw ng pera sa inyong wallet ay nasa ilalim ng Sales Data.  Dito makikita ang History, Distribution, Statistics at Wallet Ledger.

History - Dito makikita ang lahat ng detalye tungkol sa  lahat ng transaksyon mula sa una hanggang sa pinaka bagong transaksyon.

Distribution - Ipinapakita nito ang pagkakahati ng lahat  ng gastos ng inyong wallet sa isang araw. Dito makikita kung aling transaksyon ang  pinakamadalas maganap.

Statistics - Ito ang nagtatala ng galaw ng pera at dalas  ng transaksyon sa bawat buwan at araw.

Wallet Ledger - Ito ang talaan na nagpapakita ng  paglabas at pagpasok ng pera sa inyong wallet sa isang araw.

Paano makapagtransact ng maayos at mabilis?

Siguraduhin lamang na palaging updated ang ginagamit na DIGIPAY APP at siguraduhin din  na mayroong internet connection.

Mayroon bang resibo na ibinibigay si Digipay?

Nag i-issue po tayo ng Transaction Confirmation Receipt. Mayroon pong 3 klase ng resibo  na pwede ibigay sa customer. Maari pong SMS Receipt, Printed receipt at E-Mail.

Sa inyong web browser pumunta lamang sa website ng DIGIPAY na https://www.digipay.ph.  Mag login at i-click ang Sales Data. May mga icons po doon na pwedeng pagpipilian,  maari ninyo itong i-print, isend sa email o isend sa mobile number ng customer.

Ang bawat SMS receipt ay nagbabawas ng Piso (Php 1.00) sa inyong Digipay wallet  per transaction.

Paano at saan makikita ang mga ginawang transactions?

Maaring makita sa Sales Data ang lahat ng mga successful transactions na ginawa.  Pwede din po natin i-filter per transaction type at kung anong date lamang ang gusto ninyong makita.

Paano mabubuksan ang account kung nakalimutan ang password?

Maari kayong tumawag sa aming DIGIPAY hotline 09270539396  at (02) 7855246 upang i-reset ang inyong password.  Kayo po ay bibigyan ng temporary password at kailangan nyo pong i-login yung account  ninyo para mapalitan ninyo agad ng sarili ninyong password.

Saan makikita ang mga nabawas at nadagdag na halaga sa aking Digipay wallet?

Maari pong pumunta sa Sales Data at piliin ang Wallet Ledger, dito makikita ang lahat  ng pumasok at lumabas na pera sa inyong wallet. Tandaan po na ang makikita lang natin  na impormasyon ay ang mga transaction sa loob ng isang araw.

Paano malalaman kung magkano ang income namin sa bawat transaction?

Maari pong pumunta sa Sales Data at piliin naman ang Revenue Report, dito makikita  kung magkano ang kinita ninyo sa bawat transaction. Tandaan po na ang makikita lang  natin na impormasyon ay ang mga transaction sa loob ng isang araw.

Maari nyo rin po i-check sa Rate sheet na ibinigay po sainyo para malaman ninyo kung  magkano ang kikitain nyo sa bawat transaction ng eload, billspay or mobile money.

Ano ang convenience fee?

Ito ay ang dagdag na kita na maaari mong ipatong sa bawat transaction. Ngunit may ilang  billers na may maximum allowed service fee at kailangang sundin ito.

Ano ang System Charge?

May mga billers na may System Charge pa sa ibabaw ng halaga ng bill na babayaran ng  customer. Sa ganitong pagkakataon, papatungan mo pa ito ng sarili mong convenience fee  at iyon ang iyong kita.

Ilang araw bago ma-post ang binayad para sa Bills Payment?

Ang posting po ng bawat transaction ay 2 to 3 working days. Kapag meron pong customer  na nagreklamo na hindi pa naipo-post ang payment, pwede po ninyo ibigay ang  Reference Number na nagenerate po sa resibo at maari po nila ito ipakita as proof of payment.

Paano maiiwasan ang Double Transaction?

Siguraduhin na updated ang DIGIPAY App sa inyong device. Kung kayo ay nagta-transact at  hindi kaagad ito pumasok, i-refresh o i-restart muna ang app at tignan kung ang inyong  wallet ay nabawasan o hindi. Maari din i-check ang sales data kung mayroong pumasok na  transaction. Kung wala naman po ay maaari nyo ng ulitin ang transaction.

Bakit ayaw ibigay ang pera ng ibang Smart Money outlets?

Mayroon po tayong dalawang klase ng Smart Money Account numbers. Ang mga nagsisimula sa  5577 ay legitimate or authorized na Smart Padala Centers habang ang mga nagsisimula sa  5299 ay mga personal na Smart Money account lamang. Siguraduhin lang po na dun lamang po  tayo magpadala sa lehitimong Smart Padala Stores para maiwasan po ang delays at issues sa  pag Money Out.

Kailan pwede magpadala sa Smart Money Account na nagsisimula sa 5299?

Maaari lamang po natin padalhan ang account number na nagsisimula sa 5299 kapag Money In  lang ang ginagawang transaction. Ang ibig sabihin po ay personal account po ito ni  customer at nais nya po lamang lagyan ng load ang kanyang personal na Smart Money account.

May limit po ba ang magpadala sa Smart Padala?

Mayroon pong daily limit sa pag Money In at Money Out ang mga Smart Money Account  numbers na nagsisimula sa 5299. Siguraduhin po lamang natin na sa mga lehitimong  Smart Padala outlets lang tayo magpadala na nagsisimula sa numerong (5577)

Which types of transactions can I do using Digipay?

Purchase airtime and digital products, pay bills

Transfer funds to mobile money and bank accounts

Record your transaction